●Paraan
1. balatan at tanggalan ng buto ang kalabasa at hiwain, banlian ang tulya sa kumukulong tubig.
2. mag-init ng 1 kutsarang mantikilya at igisa ang bawang at sibuyas, idagdag ang kalabasa at sabaw ng manok at lutuin ng 10 minutos.
3. ibuhos sa gilingan para madurog.
4. initin ang natitirang mantikilya, idagdag ang arina, tubig, dinurog na kalabasa, tulya, 1/4 tasang kakanggata at panimpla, haluing mabuti at ihain. ibuhos ang natitirang kakanggata sa taas.